26

By

Matapos ma-blackmail, vlogger Nikkie de Jager nagladlad!

Sa isang emosyonal na YouTube vlog, isiniwalat ng sikat na Dutch makeup artist na si Nikkie De Jager (NikkieTutorials) na isa siyang transgender.

Ito, matapos umano siyang i-blackmail ng mga hindi tinukoy na tao na ibubuking ang kanyang istorya sa media.

“I have been blackmailed by people that wanted to ‘leak’ my story to the press … They said they wanted to leak it because I’m lying, or that I don’t want to tell my truth, or because they feel like I’m too scared for people to know who I truly am … So to the people who tried to blackmail me and thought they could really mess up my life with that. This one’s for you,” sambit ni Nikkie sa YouTube vlog na nilabas nitong Enero 14, 2020

“When I was younger, I was born in the wrong body, which means that I am transgender,” maluha-luha pa niyang pahayag.

Nagsimula aniya siyang gumamit ng hormones at growth stoppers sa edad 14, at nag-full transition noong edad 19.

Bukod dito, layon ni De Jager na maging inspirasyon sa mga “little Nikkie” sa mundo.

“With this message, I wanna inspire little Nikkies around the world who feel insecure, who feel out of place, who feel misunderstood. I hope me standing up and being free, that it inspires others to do the same, to truly live your life like you wanted, and the way you deserve it,” sabi pa ni De Jager.

Sa ngayon, Enero 17, Top 10 trending ang revelation ni Nikkie sa YouTube Philippines na may 29.4 milyon na views at higit 300,000 comments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?