88

By

Matapos ma-ban: Kiefer nasaktuhan ng Fiba random drug test

Una sa listahan si Kiefer Ravena sa mga sasailalim sa random drug test na isasagawa para sa 2019 Fiba World Cup sa Foshan, China.

Ayon sa report ng Spin.ph, isa si Ravena sa mga ira-random drug test ng Fiba, kasama niya sa Gilas ang five-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

Matatandaan na nasangkot si Ravena ukol sa banned substance noong masuspende ito ng 18 buwan sa lahat ng basketball activity dahil nakitaang gumagamit ng pinagbabawal na sangkap sa kanyang ginamit na pre-workout drink.

Hindi naman masama ang tingin dito ng NLEX guard, sinabi na naiintindihan niya ang pagsailalim niya sa drug test.

Ngayon ay kumpiyansa siyang magnenegatibo sa mga banned substance, makakalaro sa Agosto 31 kontra sa Italy.

“Sigurado ako. Sure na sure yan,” lahad ng 25-anyos na player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?