13

Jun 25, 2021 @ 13:04
By

Matapos layasan Mavs: Carlisle bagong coach ng Pacers

Ilang araw lang ang nakakalipas ay may bagong trabaho na agad si dating Dallas Mavericks coach Rick Carlisle.

Inanunsyo ng Indiana Pacers na kanilang kinuha si Carlisle matapos sibakin ang kanilang coach na si Nate Bjorkgren.

Dati nang naging coach ng Pacers si Carlisle noong 2003 hanggang 2007 bago ito lumipat sa Dallas.

Inaasahan na muling ibalik ng beteranong coach ang angas ng Pacers matapos maputol ang kanilang six season run sa playoffs.

“Rick is a proven winner with a championship and will be a Hall of Fame coach,” ayon kay Kevin Pritchard, Pacers president of basketball operations.

Sa kabuuang NBA coaching career ng 61-anyos, nakakuha ng 836-689 win-loss record si Carlisle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?