62
arrested-arestado
By

Matapos ilibing ang sanggol na anak sa bakuran, mag-asawa arestado

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sanitation Code ang isang mag-asawa matapos ilibing diumano ang kanilang siyam na buwang sanggol sa gilid lang ng bahay nila sa Cagayan de Oro City, ayon sa GMA News.

Saad ng pulisya, naamoy daw ng mga kapitbahay ang umaalingasaw na bakuran ng mag-asawa. Tinuro naman ng mismong kapatid ang lugar kung saan nilibing umano ng tatay ang bata.

Nilagnat diumano ang sanggol at namatay noong Hulyo, ayon sa pulis.

Depensa naman ng tatay, hindi nila alam ang gagawin kaya doon na inilibing ang bata.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?