205

May 2, 2020 @ 16:37
By

Matapos gumaling: Angara sapul ulit ng COVID

Nagpositibo muli sa COVID-19 si Senador Sonny Angara, ito’y matapos na makarekober na ito sa nasabing sakit mag-iisang buwan na ang nakararaan.

Ayon sa Facebook post ni Angara, nalaman niyang muli siyang nag-positive sa virus sa pagdo-donate niya ng dugo para sa plasma treatment ng ibang COVID-19 patient.

“But while preparing to donate my blood plasma for a second time, my doctors, after the results of the initial antibody test taken before donating, had me take another swab test, which registered positive,” saad ng mambabatas.

Negatibo naman ang kabnyang asawa na si Tootsy sa nasabing sakit, at tingin ng kanyang mga doktor ay hindi na siya nakakahawa sa ibang tao at posibleng tirang remnant na lang ng virus ang dahilan kaya’t nagpositibo ulit si Angara.

Dahil dito’y sasailalim ulit sa self-quarantine ang senador at hindi rin muna dadalo physically sa sesyon ng Senado na magbabalik sa Mayo 4.

“Nothing is 100% sure at this point so it is best to be prudent and cautious and thus it is best that I not attend Senate sessions in person for the risk posed to others. And we will follow the usual quarantine procedures for myself and members of my household as a precaution,” aniya pa.

Mananatili sa bahay si Angara ngunit siniguro na gagampanan ang responsibilidad bilang mambabatas sa pamamagitan ng teleconferencing sa mga Senate session.

“Rest assured that I will continue working from home like many of our countrymen and performing my duties as senator to the best of my ability.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?