20

Apr 20, 2021 @ 16:31
By

Matapos ang ‘randomized swab testing,’ 2 youth leader dinakip

Dinukot umano ng pwersa ng estado ang dalawang youth leader na pinatawag ng kanilang barangay para sa swab testing.

Ayon sa Anakbayan, iligal na hinuli ng mga ahente ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sina Alicia Lucena at Sofia Bangayan alas-12:30 ng hapon, Abril 19.

“Alicia Lucena and Sofia Bangayan were lured to the local barangay hall anticipating randomized swab testing. Much to the tune of a buy-bust operation, NTF-ELCAC agents set them up for illegal capture,” banggit ng grupo sa Facebook.

Kalaunan ay naibalik na anila si Bangayan sa bahay nito sa Makati habang nawawala pa rin si Lucena.

Nangangamba ang grupo na si Lucena ay hindi muli pinapayagan na makipag-usap sa ibang tao, at isinasailalim sa psychological warfare ng otoridad.

“[Alicia] is the daughter of NTF-ELCAC agent and Hands Off Our Children frontman, Relissa Lucena. Anakbayan fears that she is once again being kept incommunicado and subjected to torturous psychological warfare by state forces,” punto pa ng Anakbayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?