150

Jan 1, 2020 @ 15:01
By

Matapos ang rambulan: Arwind balik-ensayo na sa SMB

Inaasahan na ang muling pagsalang sa hardcourt ng San Miguel veteran forward na si Arwind Santos.

Ito’y matapos ang pinataw na indefinite suspension sa manlalaro dahil sa naging rambulan sa SMB practice na kinasangkutan din nina Dez Wells, Ronald Tubid at Kelly Nabong.

Sa report ng Spin.ph, sinabi na babalik na sa January 13 si Santos sa pag-resume ng ensayo ng Beermen.

Nakapirma ng two-year contract si Santos para sa SMB, habang iba naman ang sitwasyon nila Tubid at Nabong.

Ito’y dahil short-term contract lang umano ang pinirmahan nina Tubid at Nabong na nagtapos sa dulo ng season kaya’t hindi pa batid kung babalik pa sa roster ng San Miguel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?