469

Mar 7, 2020 @ 13:39
By

Matapos ang inuman: Tatay pinatay ang sariling anak

Arestado ang isang ama matapos patayin ang kanyang sariling anak sa pamamagitan ng pagbaril dahil sa mainitang pagtatalo sa Barangay Malagnat, Pinukpuk, Kalinga, ayon sa Pinukpuk Municipal Police Station (PMPS).

Nakilala ang biktima na si Julius Sema, sa nasabing barangay at ang suspek na ama ng biktima na si Mike Sema.

Sa imbestigasyon, sinabi ni PMPS investigator P/Master Sgt. Zyg Linggayo, nag-iinuman ang mag-amang Sema sa bahay ng kapatid ng suspek ngunit naunang umuwi ang batang Sema sa kanilang bahay.

Ayon sa ina ng biktima, nalaman niya na ang mag-ama ay nag-away sa inuman.

Dito, noong umuwi ang suspek ay kinumpronta ng ina ang kayang asawa na nauwi sa pagtatalo na siyang umawat naman ang biktima.

Dahil sa impluwensya ng alak, kinuha ng matandang Sema ang .38 revolver at binaril ang biktima sa tiyan.

Agad na isinugod ang batang Sema ngunit siya ay dead-on-arrival sa ospital ayon sa mga medical expert.

Sumuko ang suspek pagkatapos ang pamamaril na nakakulong ngayon sa PMPS jail at kasong parricide ang isinampa sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?