2,973

By

Matapos ang ilang taon: Nabulok na relief goods sa ‘Yolanda’ natagpuan

Nagulantang ang mga tauhan ng municipal gym ng Kananga, Leyte matapos makita ang tambak na mga relief goods na para sana sa mga residenteng nasalanta ng supertyphoon “Yolanda” noong Nobyembre 2013, ngunit napanis at nabulok na.

Nadiskubre rin sa selyadong silid na binuksan kamakailan ang ilang libong mga school supplies, gaya ng mga notebook, plastic envelope, at lapis, na hindi rin naipamahagi sa mga mag-aaral.

“The school supplies were procured in 2012 and were paid in 2013 intended for the schools. Based on the accounting records, everything was supposed to be dropped and liquidated, but about 5,752 pencils labeled with the “Municipality of Kananga,” 10,000 notebooks, and 1,300 shirts were not distributed to the elementary and high school students,” ayon kay municipal administrator Atty. Adelito Solibaga, sa ulat ng Manila Bulletin ngayong Enero 2020.

Ilan sa mga natagpuang relief goods ang mga yero, plywood, tiles, pintuan, at semento.

Nabulok din ang canned goods noong 2014 dahil nasira ang ilan sa biyahe at walang maayos na imbentaryo, habang 2016 at 2017 nag-expire ang mga gamot.

Sa ngayon, nagi-imbentaryo na at inaalam ng lokal na gobyerno ang kabuuang halaga ng mga nadiskubreng relief goods.

Sinabi rin ni Solibaga na ipapaalam nila ang nadiskubre sa Commission on Audit, at tinitingnan na nila kung pwede pang ipamahagi ang ilang mga relief good sa mga dapat na pagbibigyan ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?