6

Sep 16, 2020 @ 18:34
By

Matapos ang higit 3 dekada: Comic Quest pinadapa ng pandemya

Magsasara na ang kilalang comic store sa Pilipinas.

Inanunsyo sa Facebook ng Comic Quest nitong Miyerkoles na magpapaalam na sila makalipas ang 35 taon.

May huling hirit sila na “farewell sale” mula September 16 hanggang October sa kanilang SM Megamall branch kung saan lahat ng items nila ay may 50% discount.

“We just want to let you know that because of the combined pressure of the pandemic, as well as the disruption of the global distribution of comic books, we’ve had to make the difficult decision to begin the process of closing down Comic Quest,” anila sa FB post.

“It has been a long and amazing road, from our earliest days in our first branch at BF Homes in Alabang, to Greenhills to Makati to multiple branches as far away as SM Cebu. But now the time has come to say goodbye, and let all of you know how much we appreciate being given the chance to be part of the comic book industry.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?