49

Jan 17, 2021 @ 13:21
By

Matapos ang higit 1 dekada, Juancho Triviño college grad na

Nagtapos na sa kolehiyo si Juancho Triviño pagkatapos ng 12 taon.

Sa Instagram, binahagi ng Kapuso actor ang kanyang karanasan bago makamit ang degree na Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.

“Finally! I graduated!!” sambit ni Triviño.

“I started college 2009… and I stopped mid way to pursue my acting career. A couple of years after, I decided to go back to, against all odds, finish my degree in DLSU as a cross enrollee from DLSU-STC… I became a working student going to class with no sleep and drinking vendo coffee to keep me awake and balance my sheets (accounting reference). Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na galing Pangasinan, dederecho ako sa school galing ‘Unang Hirit,’ at kung late na late na, nag-aangkas ako.”

Inalay ni Juancho ang kanyang pagtatapos sa Diyos at sa kanyang mga magulang.

“Other than the fact that I realized that life is not one dimensional, I wanted to finish what my parents worked so hard for me to go through, to put me in a good school and to provide for us,” bigkas ng aktor.

“After 12 years, natapos din, kahit via Zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting.”

“I also want to encourage others, there’s always rainbow after the rain. It might not be the ideal time for me but God has his perfect time for us. On to the next challenge!” sey pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?