71

Oct 24, 2020 @ 10:01
By

Matapos ang halos 2 dekadang kasal: Assunta may baby na!

Nanganak na ang aktres na si Assunta de Rossi sa kanyang unang baby.

Sa Instagram post ng kapatid nito na si Alessandra, tinuring nito na milagro ang panganganak ni Assunta, na hirap makabuo ng anak dahil sa kondisyong endometriosis at myoma.

“This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best!” saad ni Alessandra.

18 taon nang kinasal si Assunta sa kanyang mister na si Jules Ledesma, at sa wakas ay mayroon na silang panganay.

Pinasilip din ni Alex ang sulyap sa kanyang pamangkin kasama si Assunta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?