83

Matapos ang 9 na araw: 12 senador, hinayag ng Comelec

Kinailangan ng lampas isang linggo ng Commission on Elections para maisapinal ang nagwaging senador sa 2019 midterm elections

Kuha ni Cynthia Villar ang top spot, samantala napanatili ni Nancy Binay ang kapit sa 12th spot, sa kanyang ilalim ay sina JV Ejercito at Otso Diretso bet Bam Aquino na bigong makapasok.

Ilan sa mga nanggulat ay ang magiging bagong mukha sa Senado na sina Bong Go (3rd), Bato dela Rosa (5th) at Francis Tolentino – lahat ay inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Heto ang official list ng mga nagwagi:

1) Cynthia Villar – 25.119 million

2) Grace Poe – 21.913 million

3) Bong Go – 20.456 million

4) Pia Cayetano – 19.635 millions

5) Bato dela Rosa – 18.805 million

6) Sonny Angara – 18.043 million

7) Lito Lapid – 16.881 million

8) Imee Marcos – 15.732 million

9) Francis Tolentino – 15.37 million

10) Koko Pimentel – 14.55 million

11) Bong Revilla – 14.547 million

12) Nancy Binay – 14.449 million

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?