63

By

Matapos ang 7 taon: James Reid empake na sa Viva

Nagdesisyon na si James Reid na umalis sa bakuran ng Viva, na matagal niyang naging talent agency.

Nilinaw naman ni James na hindi ito makakaapekto sa tambalan nila ng girlfriend na si Nadine Lustre.

Nangamba kasi ang JaDine fans na baka hindi na magkaroon ng movies si James kasama si Nadine, na under pa rin ng Viva, dahil sa pag-alis ng aktor sa pitong taon niyang naging talent agency.

“We’re still working together. We’re all on good terms, which is great. I just have a bit more freedom now, that’s all,” saad ni James sa Push report.

Wala namang plano si James na lumipat ng ibang talent agency.

Unang naging Viva artist si James noong 2012 matapos ang dalawang taon na nasa ilalim ng Star Magic.

Sa kasalukuyan ay focus umano si James sa tinatag niyang record label na Careless Music Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?