37

Oct 12, 2021 @ 16:17
By

Matapos ang 6 attempts: Bebot registered nurse na!

Kahit anim na beses nang bumagsak, nagpatuloy pa rin sa pagkuha ng licensure exam ang isang babaeng nangarap na maging registered nurse.

Ngayon, dream come true niya nang maituturing ang kanyang pangarap dahil isa na siyang RN!

Kinilala ang inspiring na bebot bilang si Ma. Ernida Peralta na siyang nakapasa sa licensure exams nitong Hulyo.

“It pays po lahat ng sacrifices kasi ang tagal ko siyang inantay,” anang bagong RN sa isang panayam.

“Sabi ko, ‘Lord gusto ko siyang makuha para mairegalo ko sa kanila, para pang palit sa mga sacrifices nila noon nung maliliit pa kami,” dagdag pa niya.

Ani Peralta, naniniwala kasi siya sa kasabihang “dreams do come true” dahilan para patuloy siyang mangarap kahit na maraming beses na siyang pumalpak.

“Kung nasa puso po talaga natin ‘yung eagerness na makuha ‘yung isang bagay, ‘wag nating sukuan. Kung madapa tayo, bangon lang ulit. Okay lang umiyak. Okay lang ma-disappoint pero ‘wag susuko,” wika niya.

Ayon sa ulat ng GMA News, taong 2013 nang magtapos sa kolehiyo ang bebot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?