115

Dec 31, 2019 @ 11:45
By

Matapos ang 43 taon: Harrison Plaza isinara na

Makalipas ang mahigit apat na dekada, opisyal nang isinara ang kilalang mall sa Maynila.

Ipinag-utos ng mga may-ari ng Harrison Plaza ang permanent shutdown o huling araw ng mall nitong Disyembre 31, 2019.

Hindi naman tinukoy kung sino ang magti-takeover sa may pitong ektaryang mall, na napaulat na ibinenta sa SM Prime Holdings.

Itinayo noong 1976 ng pamilya Martel, ang Harrison Plaza ang kauna-unahang air-conditioned mall sa bansa.

Nasa mahigit 180 shops, restaurants at services outlets ang makikita rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?