38

By

Matapos ang 3 dekada! Polio nagbalik sa Malaysia

Muling nabuhay ang poliovirus sa Malaysia simula nang ideklara itong polio-free makalipas ang may 27 taon.

Sabi sa ulat sa The Star, isang tatlong buwang gulang na sanggol ang na-diagnose na may polio sa Borneo island.

Naka-admit na ang sanggol, na mula sa Tuaran sa eastern Sabah, sa intensive care matapos makaranas ng mataas na lagnat at panghihina ng mga kalamnan.

Sa kasalukuyan ay stable ang kondisyon ng biktima at sumasailalim sa treatment sa isolation ward dahil nangangailangan ito ng respiratory support.

Ang polio ay isang “highly infectious viral disease” na walang gamot.

Maaari lang itong mapigilan sa pamamagitan ng maraming dose ng oral at injectable vaccines.

Inaatake nito ang nervous system at spinal cord at maaaring makamatay.

Unang kaso ng polio na naitala sa Malaysia ay noong 1992.

Idineklarang polio-free ang bansa noong 2000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?