63

Aug 28, 2019 @ 15:01
By

Matapos ang 3 buwan Seungri nagpakita, suporta ng fan bumaha

Makalipas ang 3 buwan mula nang magretiro sa showbiz industry ang K-Pop star na si Seungri ay muli itong nagpakita sa publiko.

Trending sa social media ang latest picture ni Seungri kung saan ayon sa mga fan ay mas gumwapo umano ito at mas naging maganda ang pangangatawan.


Kuha ang naturang larawan sa pagdalo ni Seungri sa imbestigasyon ng mga pulis.

Ang naturang imbestigasyon ay kaugnay sa umanoโ€™y pagkakasangkot nito sa illegal gambling at illegal foreign exchange transactions.

Matatandaang noong Marso ay nagretiro si Seungri sa showbiz matapos na masangkot sa eskandalong pagbibigay umano ng mga prostitute sa mga foreign investor na namumuhunan sa negosyo niya noong 2015.

Itinanggi na ni Seungri o Lee Seung-hyun ang paratang at nangakong makikipagtulungan sa mga awtoridad sa imbestigasyon sa naturang isyu.

Sa muling paglutang ni Seungri sa mata ng publiko at humakot ito ng suporta mula sa mga fan sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?