47

By

Matapos ang 20 taong hindi pag-inom: Ashton Kutcher rason ng muling pagtagay ni Demi Moore

Hindi pa tapos ang pasabog ni “Indecent Proposal” actress Demi Moore sa kanyang lalabas na memoir na “Inside Out”.

Sa scoop ng Radar sa libro, sinabi ng aktres na hindi nito napigilang uminom ng beer matapos sabihin ng noo’y dyowa na hindi ito naniniwala sa “alcoholism.”

“I don’t know if alcoholism is a real thing — I think it’s all about moderation,” ani Kutcher sa pag-alala ni Moore.

Dahil sa sinabi ng lalaki, ginusto aniya niyang subukan ang katamtamang pag-inom.

Kaya kahit na 20 taon na siyang sober, kumuha siya ng beer sa minibar sa kanilang date, isang Pebrero 14, sa Mexico.

Naghiwalay din ang dalawa dahil nagloko si Kutcher.

Sa ngayon, sinabi ng aktres sa New York Times na hindi na naman ito umiinom.

Ilalabas ang libro ni Moore na “Inside Out” sa Setyembre. 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?