49

Oct 8, 2021 @ 14:13
By

Matapos ang 10 taong pagtatago: Lolong tinaga tiyahin tiklo

Tapos na ang maliligayang araw ng isang suspek na 10 taon nang pinaghahanap ng kapulisan.

Sa ulat ng 24 Oras nitong Huwebes, isang 75 anyos na lolo ang nahuli ng mga awtoridad sa Malabon matapos ang 10 taon nitong pagtatago dahil sa pananaga sa kanyang tiyahin.

Nahuli si ‘Lolo Henry” matapos mag-isyu ng arrest warrant ng Detection and Special Operations Division (DSOD) laban sa kanya.

Ani Police Colonel Redentor Ulsano ng CIDG DSOD, taong 2012 pa nagkaroon ng arrest warrant ang senior citizen ngunit nagtago ito sa Luzon.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang ng pagpatay. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?