30

Mar 4, 2020 @ 10:57
By

Matandang mag-asawa swak sa pagtatanim ng damo

Timbog ang mag-asawang senior citizen na hinihinalang mga marijuana cultivator sa Kibungan, Benguet kaninang madaling araw.

Kinilala ng Kibungan Police Station (KPS) ang mga suspek na sina Armando Puyao at asawa nitong si Alicia Puyao, na nakatira malapit sa boundary ng Poblacion at Palina.

Ayon kay KPS deputy commander P/Lt. Leonard Buya, arestado ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest.

Isang concerned citizen ang nagsabi aniya sa KPS tungkol sa iligal na gawain ng mag-asawa.

Dinala sa KPS at kasong paglabag sa illegal drusg act ang sinampa laban sa mga Puyao.

Maaalalang aabot sa P6-milyon ang halaga ng mga marijuana na binunot sa Barangay Tacadang at Barangay Badeo, Kibungan mula February 26 hanggang March 1 ngayong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?