47

Matandang binata, nag-suicide sa Malabon

Sharing is caring!

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang matandang binata sa loob ng kanyang bahay sa lungsod ng Malabon kagabi.

Sa ulat nina SPO2 Rockymar Binayug at PO2 Roldan Angeles, alas-siyete ng gabi nang makita ng kanyang kapitbahay si Benjamin Ramirez, 78, na nakabigti sa inuupahang bahay nito sa Templora Street, Barangay Santulan ng nasabing lungsod.

Pauwi na sana si Ronnie Boy Siochi, 29, nang mapansin niya mula sa bintana ng bahay ng biktima na nakabigti na ito kaya’t humingi siya ng saklolo.

Hindi na nagawang dalhin sa pagamutan ang biktima dahil wala na itong buhay nang kalagin mula sa pagkakasabit sa kisame.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung may nangyaring foul play sa pagkamatay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?