16
Abante-TnT-Lalaking-may-sakit-nag-suicide
By

Matandang binata na may sakit, nag-suicide

Sharing is caring!

Posibleng hindi na kinaya ang nararanasang hirap sa sakit na kidney kaya nagawang wakasan ang buhay ng isang 63-anyos na matandang binata matapos itong mag-suicide sa Pasay City.

Nakalagay pa ang catheter sa katawan nang matagpuan ang biktimang si Rogelio Idanan, stay-in workersa no. 252 Vergel St., Barangay. 119, Zone 14 ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa barracks ng MG Del Valle Gravel and Sand sa naturang lugar.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti gamit ang nylon cord.

Naisugod pa si Idanan sa ospital wala idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman ng mga pulis na ang biktima ay matagal ng naghihirap at dumadaing sa sakit niya sa kidney.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente habang ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Rizal Funeral Homes at isasailalim sa awtopsya upang masigurong walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?