1,006

Jan 12, 2022 @ 13:35
By

Matagal nang maingat: Sheryl Cruz hindi mahilig sa iskandalo

Mukhang para kay Jeric Gonzales ang sagot ni Sheryl Cruz tungkol sa pagiging “maingat” nito sa lock-in taping.

Ayon sa aktres sa ginanap na virtual media conference ng “Prima Donnas 2″ matagal na raw talaga siyang maingat dahil hindi naman umano siya mahilig sa iskandalo.

“Actually, matagal na akong maingat kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko. I don’t think na kailangan kong mag-ingat or… kasi hindi naman talaga ako mahilig sa iskandalo,” sagot ng aktres matapos siyang tanungin kung nag-iingat na ba siya ngayon sa lock-in taping.

Paglilinaw pa ni Sheryl, ang pokus niya ngayon ay ang trabaho lalo na ngayong pandemya.

“Ang focus ko naman talaga is trabaho po. At since, iba na ngayon, di ba? New normal na tayo ngayon, ang concentration dapat nu’ng isang nagtatrabaho ay du’n sa kanyang… ang focus niya ay sa kanyang job at hand,” pahayag ni Sheryl.

“And I cannot be selfish because everyone is actually pulling their weight. And kapag nakikita mo yun na they’re actually trying to help the best way they can para lang matapos ang isang taping day, you have also to put your best foot forward,” dagdag pa ng aktres.

Aniya, nasa tamang edad na umano siya para malaman kung ano ang tama kaya dedma na lang daw siya sa mga binabatong tsismis sa kaniya.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagtatambal nina Sheryl at Jeric sa “Magkaagaw” dahil tila nagiging totoo na ang kanilang relasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?