24
manny-pacquiao1
By

Matagal mang nagarahe, Pacquiao ‘di kinalawang

Sharing is caring!

Walang pinagbago.

Nananatiling mabilis, malakas at walang kupas si eight-division champion Manny Pacquiao kahit halos isang taong hindi nakipagbasagan ng mukha at naging abala sa kanyang mga tungkulin bilang senador.

Ayon ito sa mga trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez at Jonathan Peñalosa. Nitong Miyerkoles, ang huli naman ang nakatikim ng mabibigat na suntok ni Pacquiao sa mitts.

“Parang hindi nabakante ng isang taon eh. Walang pinagbago. Mabilis pa rin,” manghang kwento ni Peñalosa.

Maging ang malapad na si Buboy, may pagkakataong sumusuko sa agresibong pag-eensayo ni ‘Pambansang Kamao’. “Kilala naman natin si Manny kapag nag-ensayo, minsan hindi maawat,” sabi nito.

Nakatakdang agawin ni Pacquiao, 39, ang WBA welterweight belt ni Argentine knockout artist Lucas Matthysse, 36, sa upakan nila sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia Hulyo 15.

Kamakailan din ay idinagdag ni Pacquiao sa kanyang All-Pinoy training team ang tatay ni Nonito Donaire, Jr. na si Nonito Sr. upang makatulong sa pagbuo ng istratehiya kung paano tatapatan ang tinaguriang ‘Machine’ na si Matthysse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?