63
abante tnt tonite
Sep 17, 2018 @ 11:02
By

Matagal mang dumating ang hustisya, dapat pa ring maniwala – DOJ sa guilty verdict kay Palparan

Naglabas ng pahayag si Justice Secretary Menardo Geuvarra sa guilty verdict ng Makati Regional Trial Court kay retiradong Major General Jovito Palparan Jr. sa kasong kidnapping at serious illegal detention kina UP student Karen Empeño.

Sa text nito sa mga reporter, sinabi ni Guevarra: “Justice may come a bit late, but it does come. Let’s believe in that,”

Kasama sa mga nahatulan ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court Branch 15 sina Lieutenant Col. Felipe Anotado at Staff Sergeant Edgardo Osorio ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo.

Kasalukuyan namang hinahanap pa si Rizal Hilario na akusado rin sa nasabing krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?