52
gun-
Dec 13, 2017 @ 9:41
By

Matadero todas sa pinsan

Nauwi sa trahedya ang masayang pagdiriwang ng isang may kaarawan sa Sitio Langka, Brgy. Concepcion Banahaw, Sariaya, Quezon matapos barilin ng isang kainuman ang kaniyang pinsan kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ng Sariaya police, bandang alas-9:35 ng gabi, nasa kasagsagan ang inuman sa naturang handaan ang mga bisita nang ang biktimang si Dominador Mayor Rosales, 46, at kaniyang pinsan na si Mario Mayor Rosales alyas ‘Omar’, ay magkaroon ng pagtatalo.

Naging mainit ang pagsasagutan ng magpinsan hanggang sa bumunot ng baril ang suspek na si Mario at ipinutok sa biktima.

Tinamaan sa hita ang biktima at agad isinugod sa ospital subalit ideneklara itong dead on arrival ng doktor.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. (Ronilo Dagos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?