115

Jan 21, 2019 @ 13:31
By

Mataas na voter turnout sa BOL plebiscite inaasahan ng Comelec

Inaasahan ng Comelec na 95% hanggang 100% ang turnout ng ginaganap na plebisito sa Mindanao kaugnay ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na walang naging problema sa distribusyon ng election paraphernalia at wala aniyang naging kakapusan sa lahat ng election forms.

Ala-una pa lamang kaninang madaling-araw ay sinimulan na ang pamamahagi ng election materials.

Bukod ngayong araw na ito, itinakda ng Comelec ang ikalawang araw ng plebisito sa Pebrero 6.

Nasa 2.8 milyong botante ang inaasahang boboto sa plebisito para sa BOL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?