157

By ,

Mataas na talon nina Scottie, Abueva saan nanggaling?

Lumilipad sa paghablot ng rebound sina Scottie Thompson, Calvin Abueva, Troy Rosario at Russell Escoto kahit hindi naman sila katangkaran.

Alam n’yo ang sikreto?

Bago napunta sa mundo ng basketball ay sumabak muna ang mga nasabing PBA player sa paglalaro ng volleyball, na naging training nila sa pagkakaroon ng mataas na leaping ability.

Unang naglaro ng volleyball si Abueva noong elementary at sumabak pa sa Angeles City Amateur Athletic Association, isang inter-school sports competition sa Pampanga.

Si Thompson ay naglaro rin ng volleyball at dito aniya mas lumakas ang hita at itaas na bahagi ng katawan niya.

“Ang nagustuhan ko sa volleyball talagang ine-enhance ko ‘yung talon ko dati noong nagba-basketball ako,” wika ni Thompson.

Si Rosario naman ay nahilig munang maglaro ng volleyball bago naisipang sumabak sa basketball. Una niyang sinubukang magtry-out sa FEU men’s volleyball pero hindi ito pinalad kaya nagtry-out ito sa basketball ng eskuwelahan.

Naglaro rin noon sa Palarong Pambansa ang 15-anyos noon na si Rosario bilang kinatawan ng Region 2.

Naging volleyball player din si Escoto noong nasa Pampanga pa ito at sumabak sa Central Luzon Region Athletic Association (CLRAA) noong nasa high school ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?