615

Sep 24, 2018 @ 14:10
By

Mataas na satisfaction rating ng drug war, dahil sa takot – Pangilinan

Hindi bumilib si Senador Kiko Pangilinan sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing 78 porsyento ng mga Filipino, o halos apat sa bawat lima ang ‘satisfied’ sa giyera ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Sa tingin ni Pangilinan, pangulo ng Liberal Party (LP), ganito ang resulta dahil sa takot ng mga natanong sa survey na sapitin din nila ang kamatayan dahil sa drug war na binansagang Oplan Tokhang.

“May duda ako na may halong takot ang sagot na oo sa nasabing survey,” sabi ni Pangilinan.

“Kaliwa’t kanan ang pinapatay na mga kababayan natin na parang hayop sa Oplan Tokhang, at dahil dito na maaring humantong na sa sitwasyon na ang mga magsasabi na tutol sila sa araw-araw na patayan sa drug war ay maaring ma-tokhang din,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?