5

By

Mataas na rating, pampalakas lang ng ego ni Duterte – Villarin

Sharing is caring!

Hindi bilib si Akbayan partylist Rep. Tom Villarin sa June Pulse Asia survey na nagpapakitang 87 percent ng respondents ang nagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Villarin, consistent naman ang Pulse Asia survey sa pagbibigay ng high ratings kay Duterte.

Para sa kongresista, “perception boost” lang ito at malayo sa katotohanan.

Pampalakas rin lang anya ito ng egos sa Malakanyang pero wala namang pakinabang.

“It won’t make people feel less poor, hungry and insecure of the future,” ani Villarin.

“It will not erase the 5.2 percent inflation that’s hitting people’s pockets hard, the cutting down of real wages, loss of jobs, and high-interest rates driving investments down,” dagdag ng kongresista.

Isinagawa ang Pulse Asia survey mula June 15 hanggang 21, o bago pa ang kontroberyal na “stupid God” remark ni Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?