0
views

By

Mataas na rating ni Duterte, hindi makatotohanan – Trillanes

Sharing is caring!

Walang bilib si Senador Antonio Trillanes IV sa mataas na approval at trust ratings na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ayon sa senador, hindi nakuha ng Pulse Asia ang totoong pulso ng bayan ukol kay Duterte dahil ang tinanong sa survey ay mga taga-Davao City na umano’y takot at bulag na tagasunod ng Pangulo.

Sa impormasyon ni Trillanes, mga residente ng Davao City ang respondents sa survey ng Pulse Asia.

Dati na umanong kumukuha ang Pulse Asia ng respondents sa Davao City para ikatawan ang buong populasyon ng Mindanao.

“That is clearly a sampling design error and, therefore, invalid. Pulse Asia, historically, keeps on insisting to use respondents of Davao City to generalize or represent the population for the whole Mindanao,” sabi ni Trillanes.

Hindi na umano ito makatuwiran dahil hindi naman kasing-takot ng mga taga-Davao City ang mga naninirahan sa ibang bahagi ng Mindanao.

“This is not valid anymore because the respondents of the other regions are clearly not as fanatical or fearful of Duterte as the Davaoeños are,” dagdag ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?