81

By

Mataas na rating ni Alvarez, dahil sa pagiging prangka – dep speakers

Kumbinsido ang mga Deputy Speaker ng Kamara na may factor sa pagtaas ng rating ni Speaker Pantaleon Alvarez ang pagiging prangka nito.

Katuwiran ni Deputy Speaker Raneo Abu, pagod na ang mga tao sa mga pulitikong bolero at mapanira.

Mas gusto aniya ng mga ito ng totoong tao na ang mga sinasabi at pinapanukala pati ginagawa ay iyong para sa pangangailangan ng nakararaming pangkaraniwang Pilipino.

Sinegundahan ito ni Deputy Speaker Gwen Garcia na nagsabing na-appreciate ng mga Pilipino ang sipag at dedikasyon ni Alvarez sa pagsusulong ng mga reporma gayundin ang kanyang pagiging prangka.

Ayon naman kay Deputy Speaker Eric Singson, nakita na ng mga tao ang mga ginagawa ng Kamara na resulta ng mahusay na liderato ni Alvarez.

“Frankness is not a negative factor,” dagdag pa ni Singson.

Sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16, nakakuha ng +14 rating si Alvarez o mas mataas ng 6% kumpara sa +8 rating nito noong Setyembre. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?