210
NPA
Jun 20, 2018 @ 4:58
By

Mataas na opisyal ng NPA sa Bohol, dinampot loob ng ospital

Wala nang nagawa ang isang mataas na opisyal ng New Peoples Army nang arestuhin habang nagpapagamot sa tinamo nitong tama ng bala sa isang ospital sa Tagbilaran City sa Bohol.

Si Pedro Lumantad, alyas Dodoy, Andoy at Didoy ay inaresto ng pinagsamang elemento ng 47th infantry batallion at Bohol PNP.

Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Court branch 47 dahil sa kinakaharap nitong multiple murder case.

Ito ang itinuturong pumatay sa 2 Cafgu noong 2018 at responsable sa mga pag-atake sa ilan bayan sa Cebu at lalawigan ng Bohol.

Si Lumantad ang deputy secretary ng Bohol Party Committe sa Southern Bohol Region ng Communist Party of the Philippines-National Democratic front (CPP-NDF).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?