30

By

Mataas na kalibre ng armas, nasisid sa Lake Lanao sa Marawi

Sharing is caring!

Ilang matataas na kalibre ng armas ang narekober ng mga combat divers ng Naval Special Operations Group at Special Forces Elite Unit sa kanilang isinagawang search and recovery operation sa Lake Lanao sa Barangay Marinuat, Marawi City kamakalawa.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Jo-Ann Petinglay, isang M60 machine gun, dalawang rocket-propelled grenade launchers, 13 na high-explosive RPG rounds at 18 na rifle granades ang nakuha sa Lake Lanao.

Sinabi naman ni Brigadier General Roseller Murillo, ang commander ng Joint Task Force Ranao, na 37 araw mula nang ideklara ang liberation ng Marawi ay hindi tumitigil ang kanilang tropa sa pagsasagawa ng search and recovery operation dahilan ng pagkakarekober ng mga armas sa dating main battle area.

Maliban naman sa search and recovery operation, patuloy din ang ginagawang clearing at mopping-up operations ng militar dito.

Ito’y upang masigurong ligtas na ang lugar para sa gagawing malawakang rehabilitasyon sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?