42

Mar 5, 2021 @ 15:21
By

Mataas na inflation rate nakakaalarma

Naalarma si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ayon kay Salceda, ang mataas na inflation rate ay dulot ng kakulangan ng suplay ng karneng baboy.

“The most important price issue now is we do not have enough pork. When the problem is food supply, it tends to cascade to other products because food is the most basic input to labor, and labor as in input to everything else,” paliwanag ni Salceda.

Naitala ng Philippine Statistics Authority sa 4.7 porsiyento ang inflation rate sa bansa noong Pebrero, mas mataas sa naitalang 4.2 porsiyento noong Enero.

Nakikipag-ugnayan na umano ang komite ni Salceda sa Bureau of Customs upang matiyak na magiging maayos ang importasyon ng pagkain.

“Imports, however, will only moderately lower consumer prices while hurting farmgate price proportionally more. If we want to keep food prices down to keep wage pressures controlled, we need to invest in agricultural inputs,” wika pa ni Salceda.

Ang kailangan umano ng bansa ay palakasin ang produksyon ng feeds upang maiwasan ang pagpapakain ng tira-tira sa mga baboy na itinuturing na isa sa sanhi ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Kung lalakas umano ang produksyon ng feeds sa bansa ay bababa ang presyo nito kaya bababa rin ang presyo ng baboy.

Maaari umanong mag-angkat ang bansa ng mga raw material sa paggawa ng feeds gaya ng ginagawa ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?