44

Dec 12, 2017 @ 15:15
By

Mataas na diskwento sa pol ads, aprub sa Kamara

Lusot na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukala na nagtatakda ng 50% discount sa mga partido at kandidato para sa kanilang campaign ads sa dyaryo, radyo at telebisyon.

Layunin ng House Bill 6604 na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng kuwalipikadong kandidato na makapag-avail ng abot-kayang political propaganda.

Ipinagbabawal din ng panukalang ito na singilin ng media outlets ang mga politiko at partido ng rate na mas mataas kumpara sa regular advertisers.

“In no case shall rates be charged to registered political parties and bona fide candidates be higher than the rates charges to regular advertisers,” saad sa bill.

Inaamiyendahan nito ang Fair Elections Act.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, 30% lamang ang diskwento sa campaign ads sa TV, 20% sa radyo at 10% sa print para sa unang tatlong quarter ng taon bago ang taon ng eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?