0
views
ABANTE trust ratings duterte rodrigo
By

Mataas na approval, trust ratings ni Duterte ikinagalak ng Palasyo

Sharing is caring!

Tinutupad lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya.

Ito ang inihayag ng Malacañang makaraang tumaas pa ang trust at approval ratings ng Pangulo sa 2nd quarter survey ng Pulse Asia sa kabila ng mga banat at batikos sa kanya ng mga kritiko.

Batay sa resulta ng survey, nakakuha si Pangulong Duterte ng 88% approval rating at 87% trust rating mula sa dating 82% trust rating at 80% approval rating noong unang bahagi ng 2018.

Ginawa ang survey noong Hunyo 15 hanggang Hunyo 21 na mayroong 1,800 respondents.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagagalak sila sa resulta ng survey at nagpapasalamat sa patuloy na tiwala at suporta ng mga naniniwala sa Pangulo.

“The Palace expresses its gratitude for our people’s continuing vote of confidence for President Rodrigo Roa Duterte who remains the most approved and most trusted top national official today with 88% approval and 87% trust, respectively.

“The President views these latest survey results with all humility; however, he is not leading the country for the sake of high or good ratings. The Chief Executive is simply fulfilling his campaign promises with the best interest of Filipinos in mind,” ani Roque.

Idinagdag ng kalihim na nagdodoble-kayod ang Pangulo para malutas at malabanan ang mga pangunahing problema ng bansa partikular ang iligal na droga, korapsiyon at kriminalidad para mas mabigyan ng mas maalwan na buhay ang mga Filipino.

“The President is working double time to rid society of drugs, criminality and corruption to achieve his goal of bringing comfortable life for all,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?