20

Dec 8, 2020 @ 16:52
By

Masyadong pabida! Jordan nagbuhat ng bangko sa ‘Last Dance’ – Pippen

Kung si Scottie Pippen ang tatanungin, hindi pasado sa kanyang panlasa ang nag-viral na documentary series tungkol kay Michael Jordan na ‘The Last Dance’.

Saad ng ka-tandem ng tinaguriang NBA GOAT, nagmukhang masyadong binida ni Jordan ang kanyang sarili at hindi rin umano tama ang lahat ng nilabas sa documentary.

“I thought it was more about Michael trying to uplift himself and to be glorified. I think it also backfired to some degree in that people got a chance to see what kind of personality Michael had,” saad ni Pippen sa panayam ng The Guardian.

Nasabi na rin umano niya kay Jordan na hindi niya nagustuhan ang nasabing documentary.

“I told him I wasn’t too pleased with it. He accepted it. He said, ‘hey, you’re right.’ That was pretty much it,” lahad pa ni Pippen.

Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang pangalan ni Pippen matapos ipakita sa naturang dokyu ang kanyang pagtangging maglaro noong 1997-98 season kahit marmaing nagsasabi na magaling na ang kanyang ankle injury.

Sa ilang season na naging magkakampi si Jordan at Pippen, anim na kampeonato ang kanilang nasungkit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?