76

By

Masyadong mataas? Pagbukas sa abot-langit na footbridge, hinto muna

Sharing is caring!

Hindi pa bubuksan sa publiko ang mataas na footbridge sa EDSA.

Ayon sa report ng GMA News Online sa kanilang panayam kay Metro Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago, magkakaroon muna ng redesigning upang matugunan ang mga hinaing ng publiko.

Maglalagay umano ng pangalawang landing upang makapagpahinga ang mga dadaan sa nasabing footbridge.

Dapat ay sa Nobyembre 15, Huwebes, na bubuksan ang nasabing footbridge.

Nilinaw naman ni Pialago na hindi para sa mga senior citizen at mga persons with disability ang nasabing tulay, ngunit kailangang gawin dahil sa dumaraming bilang ng aksidente sa lugar. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?