110

Feb 16, 2021 @ 14:12
By

Masyadong mainit sa 40 points! Clarkson binuhusan ni Mitchell

Kailangan munang basain si Jordan Clarkson dahil sa sobrang init ng kamay nito sa laban kontra Philadelphia 76ers.

Sa naturang laro, 40 puntos lang naman ang binuhos ng Fil-Am baller, sa loob lamang ng 29 minuto off the bench.

Dahil sa iskor ni Clarkson, ginapi ng Utah Jazz ang 76ers, 134-123, at nabalewala ang career-high 42 markers ni Ben Simmons.

Matapos ang laro, sinabi ni Jazz veteran guard Mike Conley na sigurado na ang Sixth Man award para kay Clarkson.

Habang winisikan naman ng tubig ni NBA All-Star Donovan Mitchell si Clarkson bilang selebrasyon sa pambihirang achievement ng dugong Pinoy.

Si Clarkson ang huling Jazz player na nakapuntos ng 40 points mula sa bench, huli itong nagawa ni Thurl Bailey noon pang 1988.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?