688
views
abante-tnt-vismin-manny-pacquiao
By

‘Masterpiece’ ang bagong mouthpiece ni Manny

Sharing is caring!

Espesyal ang bagong yaring mouthguard na gagamitin ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang laban kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Hulyo 15.

Ang customized mouthguard ay pinaghirapan ni Dr. Ed dela Vega, isang dentistang Pinoy na gumawa rin ng mouthguards nina Jerwin Ancajas, Julio Cesar Chavez Jr., Nonito Donaire Jr., at Gerry Peñalosa.

Suki na si Pacquiao ni Dela Vega na halos 10 mouthpiece na ang nagagawa para kay ‘Pac-Man’ simula noong taong 2007.

“Manny’s pieces are a specially designed hybrid that I custom-make for him. I fit Manny’s pieces carefully and pay special attention to his front teeth” ani Dela Vega.

Bukod pa rito, didisenyuhan din ni Filipino artist Jun Aquino, isang world-class artist at personal painter ni Pacquiao, ang bagong mouthpiece ng eight-time world division champion.

“The design will be laminated on the mouthpiece which is made of polyethylene vinyl acetate. We will display it at the final press conference in Kuala Lumpur,” dagdag pa ni Dela Vega.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?