11
ABANTE-TNT-dengvaxia-vaccs-pic

Master list ng Dengvaxia recipients, ilalabas kung iuutos ng korte – DOH

Sharing is caring!

Dahil tali ang kanilang mga kamay dahil sa National Privacy Commission (NPC), ibabahagi lamang ng Department of Health (DOH) ang master list ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia kung ipag-uutos ng korte.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kahit gusto nilang maging transparent o bukas sa kontrobersiyal na Dengvaxia, hindi nila basta-basta maibibigay ang pangalan ng mga batang naturukan ng dengue vaccine.

“We wrote the NPC to know what we can do since many are asking for the master list. The NPC had already responded and we were told we cannot just share the master list,” aniya.

Ani Duque, sakali kasing ilabas ng kagawaran ang naturang listahan, malalabag ang Data Privacy Act of 2012, na nagpoprotekta sa personal na impormasyon ng isang indibiduwal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?