52

By

Massage therapist, kalaboso sa pagnanakaw

Sharing is caring!

Nalambat na ng mga awtoridad sa lungsod ng Maynila ang “top 9 most wanted person”.

Kinilala ang suspek na si Carla Dolendo y Gonzaga, 23-anyos, alyas Kuting na nagtatrabaho bilang massage therapist.

Si Gonzaga ay nahuli ng operatiba ng Manila Police District Police Station 6 sa Old Panadero St., Sta. Ana, Manila.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Honorable Judge Janice Yulo-Antero ng Manila Regional Trial Court Branch 16 ay nadakip ang suspek dahil sa kasong theft o pagnanakaw.

Para pansamantalang makalaya ay inirekomenda ng hukuman ang P30,000 piyansa ng suspek.

Kasalukuyang nakapiit ang si Gonzaga sa Police Station 6 ng Sta. Ana PCP sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?