77

By

Massage parlor sa Makati hinoldap ng 2 lalaki

Sharing is caring!

Pinasok ng dalawang lalaki ang isang sangay ng sikat na massage parlor sa Makati City at nakatangay lang ng apat na cellphone kamakalawa.

Base sa ulat, alas-3 ng madaling araw ng pumasok ang dalawang lalaki sa Nuat Thai Massage sa Tower 2 ng Avida Tower sa Barangay San Antonio.

Sa mga sandaling iyon abala ang dalawang therapists sa pagmasahe sa kanilang kliyente kayat hindi namalayan ang pagpasok ng mga suspek, na ang isang ay armado ng baril.

Matapos magdeklara ng hold-up ayon kay Jude Cabigas, isa sa mga therapist, ay tinangay ng dalawa ang apat na cellphone bago mabilis na tumakas sakay ng isang Hyundai na kotse patungo sa Osmena Highway.

Sinabi ni Makati police chief, Sr. Supt. Gerry Umayao na susuriin nila ang footages ng CCTV camera na nakatutok sa harapan ng establismento. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }