31

By

Massage parlor pinasabog sa Cebu

Sharing is caring!

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Cebu City Police ang naganap na pagsabog sa isang massage parlor Sabado ng madaling-araw, Setyembre 8.

Batay sa report ng Cebu Police Station 4, naganap ang pagsabog bandang alas-3:10 nang madaling araw sa isang massage parlor na matatagpuan sa Tres Norte St. sa Barangay Mabolo.

Basag ang salamin ng bintana at wala namang nasugatan sa naganap na pagsabog.

Nagsasagawa ngayon imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog habang isang ammonium nitrate na nakasilid sa isang 1.5 liter ng plastic bottle ang natagpuan sa labas ng isang bar sa Archbishop Reyes Avenue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }