21

By

Mass wedding ng mga pulis ngayong V-Day, kinansela

Sharing is caring!

Hindi matutuloy ang tradisyunal na mass wedding sa Camp Crame ngayong Araw ng mga Puso.

Sa isang advisory na inilabas ng Philippine National Police-Public Information office ipinagpaliban muna ang aktibidad at gagawin ito sa ibang araw.

Walang binanggit na dahilan ang pagpapaliban, pero wala sa bansa ngayong araw si PNP chief PDG Ronald Bato dela Rosa dahil nasa Jakarta Indonesia ito para tanggapin ang pinakamataas na parangal na ibibigay sa kanya ng Indonesian Police .

Ang mass wedding ay taunang aktibidad tuwing February 14 sa Camp Crame.

Kung saan ang PNP Chief at ang mga matataas na opisyal ng PNP ang kalimitang tumatayong sponsor sa mga bagong-ikakasal na PNP personnel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?