19

Mar 29, 2020 @ 8:49
By

Mass testing pero hindi lahat -Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na tama na magkaroon ng mass testing pero hindi sa lahat.

Dapat umanong unahin iyong mga contacts ng mga taong nagpositibo sa COVID 19.

Nabatid na 60% na tinest ay asymptomatic, hindi nila alam na positibo sila.
Ayon pa kay Gatchalian,ang paglaban sa COVID 19 ay dapat magsimula sa Local Government Units.

Ang hamon sa mga LGUS ay kung papaano mababawasan at hindi tataaas ang COVID 19 sa kanilang komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?