53

Apr 11, 2020 @ 20:50
By

Mass testing aarangkada na sa Valenzuela

Sisimulan na ng city government ng Valenzuela ang kanilang mass testing para sa mga persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM) sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, inisyal nilang target sa mass testing ay 242 PUIs at 295 PUMs.

Kabilang din ang mga frontliner at nagbalik na mga OFW.

Kabalikat ng Valenzuela dito ang The Medical City, na kamakailan ay nakatanggap na ng Stage 5 level accreditation mula sa Department of Health para magsagawa ng COVID-19 test.

Sabi ni city pathologist Dr. Amelia Fibran sa ulat ng Inquirer, gagamitin nila para sa COVID test ang mga test kit na aprubado ng Food and Drug Administration mula sa South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?