100
Trump ‘greatest president’ para sa tatay ni Angelina Jolie
By

Mass arrest sa mga illegal immigrant sa Amerika, arangkada na

Nagbabala si US President Donald Trump na magsisimula na ang immigration authorities sa paghagilap at pag-aresto sa mga illegal immigrant sa kanilang bansa.

Target umano nito ang libo-libong migrant family na nakatanggap na ng final deportation order.

Kabilang sa susuyurin ang nasa 2,000 pamilya sa ilang siyudad na Atlanta, Baltimore, New York, Los Angeles, Chicago, Denver, Miami, San Francisco at Houston na sisimulan sa Linggo.

“It starts on Sunday, and they’re going to take people out and take them back to their countries, or they’re going to take criminals and put them in prison or put them in prison in the countries they came from,” wika ni Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?